Masaya naman ang araw ko. Alam nyo yung feeling na ang lakas ng loob kong magtest sa Math pero wala akong alam ni isa? At nanunulad talaga ako, tanong ako ng tanong kay Khel at Kino na saktong nasa unahan at likod ko. Magaling sila sa Math infairness. Hirap na hirap ako… Sa pagtawag sakanila kasi lagi nakatingin si Ma’am. Ay grabe! Sana pasa. Yun lang naman ang subject na di ko talaga pinagaralan.
Tapos nagjelly pa ‘ko kanina, eh kasi katabi ni crush yung ex nya. Ang awkward sumilip sakanya, kasi nagjejelly ako kasi buti pa yung ex nya may chance na makatabi sya. Eh ako? Sulyap lang. Goshh. And then, bago magsimula test sa SS napatingin ako sakanya, and.. Nakatingin na pala sya sakin then sabay smile. Nilihis ko nalang tingin ko at nagtago sa kurtina. Dun ako ngumiti ng ngumiti sa sobrang kilig. Tapos, pagkatapos ng test ng SS, habang naglalagay ako ng calculator sa bag nilapitan nya ako, hinawakan nya kamay ko tapos nagtanong sya “Galit ka ga?” Tapos, tapos.. (Teka kilig na kilig na ko.) titig na titig sya sakin kaya di ako makatingin ng diretso. Sabi ko nalang “Wala dapat ikagalit.” Tapos pinipilit nya ko humarap at tumingin sakanya, inuukit na kami ng mga kaklase ko kasi lalo daw ako namumula. Nagtanong ulit sya sabay hawak sa kamay ko “Galit ka?” Then tumingin sya sa mata ko kasi napatingin na ako, bumulong nalang ako ng “Hindi ako galit..Nagseselos ako.” Siguro narinig nya kasi sabi nya nung huli.. “Wala yun okay?” Tapos ngumiti na sakin at umupo sa upuan. K. Ako na kiri.
Then paglabas, I spend day with my bestfriends! Order lang ng pizza tapos diretso sa bahay ni Joyce at dun kumain at nagmovie marathon. Sobrang saya! Wala ko masabi pa.